BAKIT GOLFER AYUMIINOM NG CBD?

Sa isang na isport na mahigpit ang laban at kung saan ang tamang paghahanda ay mahalaga, at ang porma ay maaaring magpakita ng pagkakaiba sa pagitan ng isang berdeng dyaket at ng isang talunan, ang mga golfer ay patuloy na naghahanap ng bago at mabisang paraan upang mapanatili ang kanilang kagalingan. Ang CBD ba ang sagot?

ANO ANG CBD AT PAANO ITO MAKATULONG? 

Ang Cannabidiol (CBD) ay isang hindi psychoactive na katas ng halaman ng cannabis, isa ito sa higit sa 100 natural na mga sangkap na naproseso upang alisin ang nilalaman na THC. Nagbibigay ito ng mga regular benepisyo nang hindi ka nakakakuha ng nagiging high.

Ang pagtaas ng bilang ng mga manlalaro sa PGA Tour, kabilang na ang nagwagi noong 2009 US Open na si Lucas Glover, ay nagsimula nang gumamit at mag-endorso ng mga produktong CBD. Ano ang kanilang dahilan? Kinilala ng GolfDigest ang natural na katas ng halaman na ito nakakatulong na maibsan ang ilang mga kondisyon sa katawan katulad ng kawalan ng tulog, pagkabalisa at sakit ng kalamnan.1 Ang paggamit ng CBD ay bago sa mundo ng palakasan, hindi kaya ang mga benepisyong ito kasabay lamang pagbabago sa diyeta, pag-eehersisyo at paraan sa pagpapagaling sa mga nakaraang taon? Hindi sumasang-ayong si Glover, aniya:

"Mas natutulog ako at pakiramdam ko mas maganda ang paggaling ko. Pakiramdam ko ay mahusay maging ang aking pangkalahatang kalusugan. Masasabi ko ang pagkakaiba sa paggising ko sa umaga at malaking bahagi ito. Palagi akong mayroong mga paulit-ulit na sakit. Ang pagkabalisa ay isang bagay rin na nararanasan ko. Iyon ang tunay na tumatak sa akin. "

Ang paborito ng lahat na si Bubba Watson ay isa ring malakas na tagapagtaguyod ng CBD, sabi niya gumagamit siya ng CBD dahil "pagkatapos ng isang mahirap na araw sa golf course, nais kong makakuha ng mas mahimbing na pagtulog at mawala ang pamamaga sa aking katawan." .2

decorations

Ngayon mayroong dalawang rekomendasyon na tiyak na nakakaakit, ngunit kumusta ba ang mga benepisyo ng CBD sa isang round ng 18? Hindi naman siguro, di ba? Nasulyapan ng mga camera si Phil Mickelson na pinapanatili ang kanyang mga antas sa CBD sa Augusta noong 2019 Masters. Kung hindi mo pa ito nakikita, tingnan mo ito para malaman mo – isa itong malinaw na patunay na ang paggamit ng CBD ay totoo. Dahil may mga manlalaro na may ganitong karanasan at tagumpay ay sinusuportahan ang mga produkto CBA, ang katanyagan ng CBD ay mukhang tataas habang naghahanap ang mga golfers ng pinakabago at pinakamabisang paraan upang mapabuti ang kanilang laro sa loob at labas ng golf course.

SAAN NAGSIMULA ANG USAPAN NA ITO 

Ang nakakasabik na usapang ito ay hindi nagsimula matataas na manlalaro ng PGA, ngunit nagsimula sa mga mas nakatatandang manlalaro sa propesyonal na Champions Tour. Madali nga naman maunawaan ito, ang paglalaro sa kanilang matandang edad ay nagbibigay ng bagong mga problema - hindi na ito tungkol lamang sa pagsasanay, anyo at lakas sa pag-iisip, ngunit isang paraan rin sa isang tumatandang katawan na kasama sa isang nakatinding iskedyul.

Ang batikang manlalaro ng golf na si Scott McCarron ay isa sa mga ito, isang indibiwal na naghahanap ng sagot upang mapanatili ang kanyang katawan na maging handa sa labanan hangga't maaari, naakit siya sa CBD. Nais niyang masigurado kung talagang makakatulong sa kanya ang CBD na pahabain ang kanyang oras sa paglalaro, ayaw niyang ipaubaya ito sa suwerte o tadhana lang. Maingat niyang binantayan ang epekto nito sa kanyang katawan:

"Sinubukan ko ito pagkalipas ng dalawang linggo pagkatapos ko umuwi. Sinusukat ko ang aking pagtulog sa isang aparato na tinatawag na WHOOP," sabi ni McCarron. "Iyon ay isang aparato sa pagtulog at ginagamit ito ng mga nangungunang atleta sa Baseball, NFL at Olympics. Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng dalawang taon na ginagamit ko ang aparato na ito, sumubok ako ng langis na CBD. Nagsimula ako noong Lunes at natulog ako na ayon sa aparato ay berde, ibig sabihin maganda ang aking pagtulog. At sa pitong araw na diretso kinuha ko ang langis ng CBD sa gabi ay natulungan ako nito na makatulog. "

INIISIP MO BANG GUMAMIT NG CBD? ITO AY PATAS NA LABAN 

Dahil sa nakita ni McCarron na matibay na katibayan, hindi kataka-taka na ang mga golfer anuman ang edad ay nagsisimulang pansinin at sinusubukan ang mga porma ng CBD sa hangarin na mapahusay ang kanilang paglalaro. Maaari may magtanong: gumagana mga ito, ngunit legal ba ito? At pinapayagan talaga sa propesyonal na paglalaro? Simpleng sagot, oo.

Kasunod ng pagkakatanggal nito mula sa listahan ng mga ipinagbabawal na sangkap sa World Anti-Doping Agency noong 2018 at nakumpirma na ipinagbabawal sa mga paligsahan, ang paggamit ng CBD sa mga atleta ay lumalakas, at ang mga naglalaro ng golf ang nangunguna rito. Ang PGA mismo ay nagbigay ng pahintulot sa CBD, at ito ay nasa kategorya ng mga supplement.

Gayunpaman, pagdating sa mga drug test, dapat pa ring gawin ng mga golfers ang kanilang pananaliksik at pumili lamang ng pinakamahusay na kalidad na CBD – gumamit lamang ng tanging mga garatisado ang kalidad mula sa mga third-party at may pagsusuri sa kaligtasan. Bakit? Nagbibigay ito sa mga golfers ng sertipikadong garantiya na ang mga produktong ginagamit nila, at sa mga dosis na ginagamit nila, ay nananatiling mababa o wala ang THC sa loob ng katawan nila sa lahat ng oras.

decorations

Time to give it a shotPANAHON NA PARA SUBUKAN ITO

Habang lumalawak ang pananaliksik at edukasyon tungkol sa CBD, malinaw na ang CBD ay hindi na ipinagbabawal – ito ang kabaligtaran. Makikita ito sa mga langis na iba’t ibang lakas, mga kremang pamahid, matatamis na gummies at kapsula, mas madali kaysa dati para sa mga golfer, kapwa propesyonal at baguhan, upang magamit ang CBD sa paraang gumagana para sa kanila. Isama ang post ito sa susunod na newsletter ng iyong kompanya.

Sanggunian:

1) https://www.golfdigest.com/story/golfers-turn-to-cbd-to-remain-healthy-and-calm

2) https://www.foxbusiness.com/markets/golf-bubba-watson-cbd-pot-pga

3) https://www.golf.com/news/features/2019/08/20/growing-legion-tour-players-hemp-extract-cbd-game-changer/

4) https://www.wada-ama.org/en/content/what-is-prohibited/prohibited-in-competition/cannabinoids

Stay in Touch! Subscribe to get notified first when we upload new content